‘Di ko sya mapagamot’: Gigi de Lana admits blaming herself for mother’s death

Inamin ng singer na si Gigi de Lana na sinisisi niya umano ang kanyang sarili kung bakit lumala ang kundisyon ng kanyang yumaong ina na si Imelda de Lana. 

Sa interview ni Gigi sa “Toni Talks,” naging emosyonal ang singer matapos mapag-usapan ang kanilang naging last conversation ng yumaong ina. 

“Nasa Canada ako nito, nasa concert [a]ko. Nasa hotel ako, nagvi-video call ako sa kanya pero may tube na siya nito eh. Medyo groggy pa siya and ‘di na nagre-react yung face niya,” kwento ni Gigi.

“Nagku-kwento ako nito eh. Sabi ko, ‘Ma, kumanta ako sa concert, ‘di ko alam nawawala passport ko.’ Habang kini-kwento ko yun sa kanya, nag-react siya… Kumunot lang yung noo niya. […] Tapos sabi ko, ‘Ma, tawag ako ulit, liligo lang ako,’” dagdag niya.

“Pagka-off ko, nasa shower ako, kinausap ko si Lord, sabi ko, ’Lord, okay na po. Kunin mo na siya,’” wika niya. 

Ayon kay Gigi, kaya niya umano ito nasabi dahil nakita niya na “in pain” na ang kanyang ina.

“Hirap na hirap na siya, Ate Toni. Yung face niya… namamaga na. In pain,” pagbabahagi niya.

“After ko maligo, may tumatawag. Pagkasagot ko, lahat sila nag-iiyakan sa room. So alam ko na. And then, shocked ako. Yung mama ko nawala na,” dagdag niya.

“Pinagdasal mo pa yun… Yun yung huli mong sinabi kay God, okay ka na,” saad naman ni Toni.

“Pero nung nawala, hindi pala. Hindi ako okay. Hindi ako okay until now,” wika ni Gigi.

“Sinisisi ko kasi yung sarili ko kung bakit siya lumala nang ganyan. Kasi wala akong pera, una. ’Di ko siya mapagamot. Isa lang ako eh. At siya lang din yung lakas ko madalas. Siya lang,” emosyonal na saad ni Gigi.

After her mother’s death

Kwento ni Gigi, matapos pumanaw ang kanyang ina ay ipina-freeze niya ang katawan nito.

“[Pagkatapos ng concert], umuwi na ko sa Philippines. Ang ginawa ko kasi, pina-freeze ko yung body ni Mama para makita ko pa,” kwento niya.

“Nu’ng nakita ko yung body niya, sobrang lungkot, pero a part of me masaya kasi tapos na yung paghihirap niya,” wika niya.

“She has been battling cancer for six years, ang tagal, kaya it’s time na rin to rest,” dagdag pa nito.

Kwento pa ni Gigi, matapos ang lahat ng kanyang pinagdaanan, sa ngayon ay nais niyang maging “at peace” at mag-heal.

“For now, gusto ko lang maging at peace. Maging masaya yung puso ko nang totoo… And I want to heal,” pahayag ng singer.

Matatandaan na pumanaw ang ina ni Gigi noong May 15, 2024, matapos itong ma-diagnose ng stage 4 breast cancer.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version