Newlyweds give out fruits, vegetables as wedding giveaways

Tila maraming netizens ang napa-wow sa kwento ng newlyweds na sina Niño Basco at Yanna Ferrera matapos silang mamahagi ng mga gulay at prutas bilang giveaways mula sa kanilang wedding.

Ayon kay Niño, nais umano nila na mapakinabangan ng kanilang mga guests ang mga giveaways kung kaya’t naisip nilang mamahagi ng mga fruits and vegetables.

“A year ago before wedding po nag-iisip po kami ng wife ko ng souvenir for guests, then one time magkakasama kami ng pinsan ko at ni wife, naisip po namin na bakit ’di na lang yun mga tanim ko na gulay. Ayaw po kasi namin ng giveaways na itatambak lang sa bahay, naisip po namin mas ok po yung mapapakinabangan,” kwento nito sa exclusive interview ng Pilipino Star Ngayon Digital.

Photo courtesy: The Wallflower Studios/MC Events/Waves Cinema

“Nag-oorganize po kasi kami ng Free Store sa Church, so du’n po galing yung idea. May isang booth sa wedding kung saan pwede ka mag-shopping at libre lahat yun makukuha mo,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, makikita rin na nakalagay sa mga cardboards kung hanggang ilang pieces ng gulay at prutas ang maaaring kunin ng kanilang mga guests.

Photo courtesy: The Wallflower Studios/MC Events/Waves Cinema

Kwento pa ni Niño, karamihan sa kanilang ipinamahagi na fruits and vegetables ay sarili nilang tanim mula sa kanilang farm sa Laguna.

“Nagtanim po ako 3-5 months before para masure na sakto sa wedding may harvest, though ’di lahat ng napamigay po ay harvest ko kasi di umabot ang bunga ng iba, pero karamihan po yun ay galing sa tanim ko,” wika niya. 

Photo courtesy: The Wallflower Studios/MC Events/Waves Cinema

“Tuwang-tuwa po yung mga guests [and] super enjoy po sila. Then kinabukasan nag-mesage sila na inulam na po nila yun nakuha nilang veggies sa wedding,” dagdag pa nito.

Inulan naman ng positive reactions mula sa mga netizens ang kwento ng newlyweds.

“Good idea to give away on your wedding day. Very healthy pa,” komento naman ng isang netizen.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version