Benj Manalo reveals that he once thought Jay Manalo was his dad

Inamin ng aktor na si Benj Manalo na una niya umanong inakala na si Jay Manalo ang kanyang real father noon.

Sa pahayag ni Benj sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda,” nasa 4th year high school siya nang unang makilala ang kanyang father na si Jose Manalo. 

“Umaasa lang ako sa tatay ko. I remember nung nakilala ko si Daddy, I was 4th year high school. Ang kala kong tatay ko talaga nun was si Jay Manalo, hindi si Jose Manalo,” wika ni Benj.

Kwento ni Benj, ang tanging alam niya lang noon ay nag-i-start sa letter J ang name ng kanyang ama. 

“Nagkahiwalay kasi sila ng mom ko when I was 2 years old. And then ang alam ko lang, ang tatay ko, was nagtatrabaho sa industry, and nag-start sa letter J,” pahayag niya.

“Ang kilala ko lang that time was si Jay Manalo,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito, shinare din ni Benj na nagkausap sila ni Jay Manalo patungkol dito.

“Kinausap po namin. This was a running joke with Tito Joel Torre and Ms. Pie. Nung nakita namin sa isang kwarto si Tito Jay, parang sabi nila, ‘Oh, Jay. Papakilala namin sayo si Benj. Manalo,’” kwento niya.

“So it was a running joke… Hanggang nakilala ko siya, akala niya talaga anak niya ko for about 15 [to] 20 minutes. And then jinoke na nina Ms. Pie saka ni Tito Joel, ‘Uy, Jay, joke lang. Joke lang. Kala niya lang ikaw yung tatay niya from the beginning,’” wika pa nito.

Exit mobile version