Bea Borres opens up about sexual exploitation, asks netizens to stop ‘tormenting’ her older brother 

Trigger Warning: Sensitive content, depression 

Nag-open up ang content creator na si Bea Borres patungkol sa sexual exploitation na kanyang naranasan mula sa kanyang older brother. 

“Actually, growing up kulang talaga kami sa guidance… and actually, ngayon talaga sobrang love ko si kuya. Sobrang proud ako sa mga small achievements niya pero growing up hindi naging okay ‘yung relationship namin,” kwento ni Bea. 

“So vinideo-han niya ‘ko while taking a bath… naked. I think I was 13 [or] 14. And then he took a video of me and then he sent it to his friends for I don’t know, for money, for ‘di ko alam e,” pahayag niya. 

“Nakita ko na habang kinakalikot ko. Sabi ko, ‘Kuya, borrow phone.’ […] ta’s nag-open ako ng Messenger ta’s nakita ko. Ayaw ko pa po maniwala pero CR namin ‘to ah. Tapos nakita ko, ‘My God, katawan ko.’ Sabi ko, ‘Kuya, what’s this?’ Ta’s hindi siya makasalita. Ta’s sabi niya, ‘I’m sorry. I’m sorry, Bea,’” saad niya.

“[…] Ta’s ‘di na po siya makaimik kasi parang siguro narealize niya na mali din ginawa niya. As in, umalis siya to the point na nag-worry lahat,” pagpapatuloy niya. 

Ayon kay Bea, matapos ang incident ay nag-suggest siya sa kanilang pamilya na ipa-check up ang kanyang older brother.

“Ayun nga, the next day parang bumalik si kuya. Tinatanong na nila, sabi ng family ko, sabi ng mom ko, dad ko, ‘Bea, ano gusto mo bang ipakulong si kuya mo?’ […] Sabi ko, ‘Hindi po, wag na, ipa-check niyo na lang si kuya,’” lahad niya.

“Kasi feeling ko if normal naman siya or hindi kami ganun lumaki na kulang kami sa love, feeling ko hindi niya naman gagawin ‘yun,” dagdag pa ng content creator.

“Si kuya kasi growing up, he was lonely, he was depressed. Parang lalaki eh, parang nagke-crave din siya ng female validation siguro. So parang feeling ko, nilalabas niya sakin yun,” wika niya pa.

Kwento pa ni Bea, sa ngayon ay nangingibabaw ang love at forgiveness niya para sa kanyang kapatid.

“Actually ngayon po, okay na ko eh. Sobrang nangingibabaw yung love and forgiveness ko,” pahayag niya.

“I think, nag-heal na talaga ako from that pero siguro meron pa rin akong pagtampo sa kanya kasi hindi ko talaga alam anong ginawa ko para gawin [niya] ‘yun,” sagot pa ni Bea.

“Nag-usap na kami and I feel like kasi I’ve been holding it so parang gusto ko nang i-set free ‘yun kasi love na love ko pa rin ‘yung kuya ko and after that incident, wala na pong nangyari. Sobrang bumawi po siya sa ‘kin like in ways that he could,” dagdag pa niya. 

Bea Borres calls on netizens to stop ‘tormenting’ his brother’

Matapos ang pag-share ng kanyang story sa “Toni Talks,” nanawagan naman si Bea sa mga netizens na itigil ang pag-”torment” sa kanyang kapatid. 

“Maybe I did overshare, but my past experiences have shaped me into the person I am today. Everything is well and forgiven, which is why I was comfortable enough to share my story. I’ve faced so much backlash already, so l’m not one to say ‘stop bashing me,’ but I hope we can stop tormenting my brother,” panawagan ni Bea sa kanyang Facebook post. 

Ayon sa kanya, nagsi-seek na umano ng professional help ang kanyang older brother.

“He has been getting professional help [and] has learned a lot. We have witnessed his change and growth,” wika ni Bea.

“I love him and have already forgiven him a long time ago. Mabuting tao ang kuya ko, he did his part and helped his self,” saad pa niya.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version