Daughter pens appreciation post to her father after selling taho despite floods brought by Typhoon Carina 

Viral ngayon sa TikTok ang post ng netizen na si Julie Ecija kung saan makikita ang dedication ng kanyang ama na si Ely Ecija na magtinda ng taho sa kasagsagan ng ulan at baha na dala ng Typhoon Carina.

“Pag gising ko ito agad bumungad sa akin, baha. Nakita ko si Papa nagtutulak na kasi ‘di na kayang ipadyak. Napapakamot [na siya] ulo ng sinabi [na] bumalik daw siya kasi hanggang bewang na yung baha sa kanto,” saad ni Julie sa kanyang TikTok post.

“[Pero] naka smile pa din kahit na ‘di na mabebenta yung taho niya,” dagdag pa niya. 

Ayon kay Julie, anim na taon na umanong taho vendor ang kanyang ama. 

Kwento niya, nagbenta pa rin ng taho ang kanyang ama kahit na bumabaha upang mayroon silang pangbayad sa mga bills at pangtustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. 

“Na-order na po kasi, bayad (puhunan) na ang taho sayang daw po pag di mabenta kasi namuhunan na. Also mag kakatapusan na po, [bayaran] na ng bahay & bills at pagkain pang araw araw,” lahad nito sa PSND. 

Dagdag pa niya, ipinagmamalaki niya umano ang unwavering dedication ng kanyang ama.

“Hindi ako mahilig mag post ng ganito pero ngayon araw gusto ko ipagmalaki sa social [media] na ikaw ang papa ko,” saad ni Julie.

“[Isang] taon na lang Papa ga-graduate na ako, [k]onting tiis na lang po. I love you. Mahal ka namin papa,” mensahe pa nito sa kanyang ama. 

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version