Maymay Entrata weighs in on question: ‘Diskarte o diploma?’

Ibinahagi ng aktres at singer na si Maymay Entrata ang kanyang opinion sa tanong na “diskarte o diploma” makaraang mapag-usapan nila ito ng TV personality na si Melai Francisco sa programana “Kuan On One.”

Ayon kay Maymay, parehong the best para sa kanya ang diskarte at diploma.

“Both ako ate Pero ang diskarte lang ang nauna,” sagot ni Maymay.

Kwento ni Maymay, hindi niya umano isinantabi ang kanyang pag-aaral habang nag-a-audition sa reality show na Pinoy Big Brother (PBB). 

“Ang Panginoon ang nagbigay sa akin na diskarte muna, bago diploma. Kasi nung nag-audition [ako], ilang beses kaya ako nag-audition sa PBB, tatlong beses ako nag-audition sa PBB,” pagbabahagi niya. 

“So ngayon, while nag-audition ako sa PBB, hindi ko iniwan ’yung pag-aaral ko. Kasi hindi naman tayo sure kung matatanggap ako dito. So dapat, meron kang Plan B lagi or… meron kang fallback lagi,” wika niya.

“Kung hindi ako matanggap, okay lang. Meron naman akong pag-aaral. Ma-achieve ko pa rin ito. Makaka-graduate ako. Magkakatrabaho ako. Ganyan ang mindset ko ate. Basta hindi masakit… sa damdamin ko… kung hindi matanggap. Bakit? Kasi magkaka-diploma ako,” pagpapatuloy pa niya.

“Sabi ko, ‘Lord, kung para talaga ito sa akin.’ Nung nag-third year college ako, natanggap ako sa PBB. So na-switch, naging diskarte ang una,” saad niya.

Ayon pa kay Maymay, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin isinasantabi ang kanyang dream na makakuha ng diploma. 

“Tapos ngayon, habang andito ako ngayon sa diskarte, hindi ko pa rin kinakalimutan ang diploma. Kaya ngayon, estudyante pa rin ako,” pagpapatuloy pa ni Maymay.

Kaugnay nito, nag-agree naman si Melai sa sinabi ni Maymay.

“Very good talaga si Maymay. The best talaga ‘to siya,” pag-commend nito kay Maymay.

“Ang pinakagusto ko sa sinabi mo ay balance lang talaga. I-balance mo ang diskarte at ang diploma,” pahayag ni Melai. 

“Sa labas ng eskwelahan, matututo ka ng mga lesson bago mo gawin. Pero sa eskwelahan, ituturo siya sa’yo bago mo malaman ang lesson So, balance mo lang talaga. Kasi hindi pwedeng mag-focus ka lang sa isa. Tama yung sinabi mo ‘fallback,’” dagdag pa nito.

Show comments
Exit mobile version