‘Masarap tulungan’: Entrepreneur Rosmar shares appreciation post for Diwata

Nag-share ang content creator at entrepreneur na si Rosemarie Tan Pamulaklakin, o mas kilala bilang Rosmar ng isang appreciation post para sa social media personality na si Diwata.

Sa kanyang appreciation post, pinuri ni Rosmar ang pagiging humble ni Diwata. 

“Tinanong ko sya kung bakit di sya nagpapalit ng tsinelas kasi balak ko sya bigyan ng mamahaling tsinelas pero sabi nya kaya daw di sya nagpapalit ng tsunelas kasi marurumihan lang din daw agad kasi lagi daw syang pagala gala,” kwento ni Rosmar.

“Tinanong ko rin sya kung gusto nya pakilayan ko sya tulad ng sakin sa Prettylooks at pa rhinoplasty pero sabi nya gusto daw nya pero kabado bente pa sya,” dagdag pa nito. 

Ani Rosmar, masarap umanong tulungan si Diwata.

“Ganto [ang] masarap tulungan kasi ramdam mo na di sya abusadong tao,” wika pa nito. 

Matatandaan na kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang video ni Rosmar kung saan niya binigyan ng house and lot at P1 million cash si Diwata. 

Dahil dito, labis naman ang pasasalamat ni Diwata para kay Rosmar. 

“Maraming salamat po. Naiyak po ako sa sobrang saya ko kasi pangarap ko po talaga magkaroon ng bahay, tapos hindi lang bahay ang binigay mo madam, may pera pa, so maraming salamat po. Mababago na po talaga yung buhay ko. Thank you so much,” pasasalamat nito kay Rosmar.


Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version