P-pop girl groups BINI, G22 perform in China reality show ‘Show It All’

Pinays represent!

Ikina-proud ng kani-kanilang mga fans ang latest performance ng P-pop girl groups na BINI at G22 sa Chinese program na “Show It All.”

Sa episode ng nasabing program na umere nitong April 25, pinerform ng BINI ang kanilang hit songs na “Karera” at “I Feel Good.”

“I think this experience will be something that we will always carry and treasure with us because being able to come here in China, it’s a first for us,” saad ni BINI member Aiah sa kanilang group interview sa nasabing show.

Ang BINI ay isang eight-member girl group na binubuo ng mga members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena. Kilala sila sa kanilang mga hit songs na “Pantropiko,” “Salamin, Salamin,” at iba pa. 

Sa kabilang banda, ipinerform naman ng G22 ang kanilang mga kanta na “Babalik” at “Bang.” 

Kasabay nito, inilahad din sa naturang show ng kanilang producer na si Jeff Vadillo ang meaning sa likod ng kanilang group name. 

“The G in the group name stands for girl power and 22 is the year that the girls made their debut. G22 like color red because red represents love. G22 really do love each other and most specially, they love their fans, fuels their passion and excellence in everything that they do because they believe that the fans deserve nothing but the best,” wika ni Vadillo.

Ang G22 ay binubuo ng mga members na sina AJ, Alfea, and Jaz. Kilala sila sa kanilang mga hit songs na “Bang,” “Boomerang,” at iba pa.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version