Ini-reveal ng personal assistant ni Dra. Vicki Belo na si Millet na minsan na siyang pumunta ng Paris upang bumili ng favorite cake ni Vicki.
Sa vlog ni Vicki na “Milan Shopping Spree for my P.A & M.U.A!” ay isa-isang na-mention ni Millet ang mga bansa na kanya nang napuntahan kasama si Vicki sa loob ng 15 years niyang pagiging assistant.
“Kwento mo sa kanila yung pinakamaikli mong trip,” sey ni Dr. Hayden Kho, ang asawa ni Vicki, kay Millet.
“[…] ’Yung France, Doc, ’yung cake. Para bumili ng cake. 2 days naman ’yun Doc, kasama na ’yung arrival tyaka kasama din ’yung departure,” kwento ni Millet.
Paglilinaw naman ni Vicki, libre umano ang plane ticket na ginagamit ni Millet.
“Gusto ko lang sabihin sa kanila, libre po ’yung ticket… Kasi ginagamit namin ’yung points,” share ni Vicki.
“Yung free points namin, ginagamit namin sa kanila,” dagdag naman ni Hayden.
“Tapos pag naglilihi na ako, na hindi naman buntis, ng Jean-Paul Hevin cake na napaka favorite ko, sasabihin ko, ‘Millet, pumunta ka naman ng Paris, bumili kang cake oh’,” dagdag pa ni Vicki.
“O kaya, pag may kasalanan ako kay Vicks, cake yan. So Millet, punta ka muna ng Paris. Pero points lang po gamit namin ah, hindi namin binayaran [yung ticket],” sey pa ni Hayden.