Nikko Natividad shares fatherhood lesson: ‘Hindi investment ang anak’

Naging emotional ang TV personality na si Nikko Natividad nang i-share nito ang kanyang natutunan sa buhay bilang isang ama.

Sa kanilang panayam kay Ogie Diaz ay hinighlight ni Nikko na hindi umano dapat itinuturing na “investment” ang mga anak.

“Ano yung natutunan mo sa buhay bilang ama?” tanong ni Ogie kay Nikko.

“Mama Ogs, napakasimple lang. Kaya ka nagsa-sacrifice sa anak mo, kaya mo minamahal yung anak mo, kasi mahal mo siya, hindi dahil investment mo siya. Hindi ka naghahangad ng kapalit. Yun yung tinatawag nating unconditional love,” wika niya.

“Hindi dahil sa ‘aalagan ko to kasi pag eto naging doktor, yayaman ako.’ Mali yon. Kaya mo siya binuhay, kaya mo siya pinanganak kasi mahal mo siya. At yung binibigay ng anak mo sukli sayo, yung saya. Hindi dahil may kapalit, kasi pag naghangad ka ng kapalit, hindi pure love yon, hindi pure yung intention mo,” dagdag pa ni Nikko.

Kasabay nito, ibinahagi rin ni Nikko ang kanyang experience sa pagbibigay ng unconditional love sa kanyang anak.

“Based on experience eh. Kasi ako, sa anak ko, ganun eh. Lagi ko sinasabi sa kanya, ‘mahal na mahal kita, anak.’ Di ako nanghihingi ng kapalit, ’di ba? Tulungan niya ko o hindi paglaki, ’yun, dapat ganon,” pagbabahagi niya.

“’Wag mong sasabihin na ‘kundi dahil sakin, di papanganak.’ Hindi, hindi naman sinabi nung bata na ikaw dapat tatay ko eh. Pano kung namili yon? Baka si Elon Musk pinili non, ’di ba? Parang binuhay niyo ko eh, di naman sinabi ng bata na ipanganak niyo ko,” pagpapatuloy pa ni Nikko.

Kaugnay nito, nagbigay din ng advice si Nikko sa mga katulad niya na isang ama.

“Yun, dapat pagka naging tatay tayo, unconditional love talaga, mahal natin mga anak natin dahil mahal natin sila, hindi dahil investment sila, o di dahil sa pagtanda mo, may kapalit kang hihingiin,” payo pa nito. 

Show comments
Exit mobile version