It’s Showtime hosts Vhong, Teddy Jugs transform into comedy legends with AI in ‘Magpasikat’ performance

Samo’t sari ang naging reaksyon ng mga ‘It’s Showtime’ hosts at “madlang people” makaraang mag-alay ng isang tribute sina Vhong Navarro, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta sa mga late Filipino comedians sa kanilang ‘Magpasikat’ performance gamit ang Artificial Intelligence (AI).

Sa kanilang performance, gumanap si Teddy bilang si Redford White, si Jugs bilang si Babalu, at si Vhong bilang si Dolphy. 

Maliban pa rito, inalala rin nila ang iba’t ibang mga comedians katulad na lamang nila German Moreno, Blakdyak, Rene Requiestas, Dencio Padilla, Joy Viado, Tado, at iba pa.

Nagkaroon din ng special appearance ang aktres na si Nova Villa sa kanilang performance. 

Tila naantig naman ang damdamin ng ibang mga Showtime hosts sa heart–warming performance ng grupo nina Vhong. 

“Dahil nga 14 years na ang ‘It’s Showtime’ parang lahat nagawa na natin dito, so para samin, nag-isip kami, ‘ano pa ba yung pwede nating ipakita?’ Kaya naman naisip ng team namin na gawin ang AI dahil nauuso siya ngayon, pero ang paggamit po ng AI ay dapat po yan sa tama, hindi po sa panloloko,” sey ni Vhong matapos ang kanilang performance.

“Alay nga po namin ‘to sa ating mga legendary Pinoy comedians,” dagdag pa ni Jugs.

Kwento pa ni Teddy, sa pamamagitan ng kanilang performance ay nais nilang “mag-reminisce” sa mga panahon na “simple” lamang ang paraan ng pagpapapasaya. 

“Gusto lang namin balikan syempre yung panahon na mas simple yung buhay, simple yung comedy, simple yung mga movies, pati yung mga effect sa movies, simpleng-simple. […] Gusto lang din namin siyang ipaabot sa madlang people at kumbaga mag-reminisce kumbaga sa madlang people, na walang ano, yung… walang fear ng pambabash, ng cancel culture, mga ganyan,” pahayag niya. 

Kaugnay naman nito, naging emotional ang aktres na si Nova Villa nang alalahanin nila ang mga late Filipino comedians. 

“Kaibigan ko lahat ‘yun, nakasama ko lahat ‘yun, lahat ng mga nakita ninyo, nakasama ko lahat, lalo na [si] Tito Dolphs,” wika pa ni Nova.

Kasabay nito, nag-remind din si Teddy sa mga manonood na maging responsible at gamitin sa tama ang AI technology. 

“May kaakibat na responsibility yung paggamit ng AI. Nung ginagawa namin siya, actually pati kami naa-amaze. Sobrang naa-amaze kami nung ginagawa namin siya, pero naisip na rin namin ‘ay sobrang daming pwedeng mag-abuse nung technology na ‘yon’,” pagpapatuloy pa ni Teddy. 

Kumalap naman ng positive comments mula sa mga madlang people at mga judges sa naturang performance. 

Ang ‘Magpasikat’ ay ang week-long anniversary special ng It’s Showtime kung saan naglalaban-laban ang mga hosts upang i-showcase ang kani-kanilang mga talents.

Show comments
Exit mobile version