‘Pambansang host indeed’: Netizens praise Luis Manzano for using sign language to communicate with hearing-impaired audience

Umani ng papuri mula sa mga netizens ang TV host na si Luis Manzano makaraang bigyan niya ng spotlight ang isang audience na mayroong hearing impairment sa noontime show na ‘It’s Your Lucky Day.’

Sa segment na “Pangma-luckcashan,” naghanap ang mga hosts ng audience na may “pinakapaandar” na joke upang maglaro. Matapos makapaghanap ng lucky players ay nabanggit ni Luis na mayroong isang audience umano ang tumawag sa kanya.

“Bago ang lahat, Direk sorry. Kasi gusto ko lahat ng ka-Lucky natin involved. May tumatawag sa akin kanina pa na isang isang ka-Lucky natin na kung hindi ako nagkakamali ay medyo may konting problema po sa pandinig,” wika ni Luis at agad niya nang pinuntahan ang naturang audience.

“Hi, Lester! Ako si Luis, hello. Kasi kanina joke tayo so heto ngayon gusto mong sumayaw. Ikaw, pwede kang sumayaw,” saad ni Luis sa isang audience na may hearing impairment habang gumagamit din ito ng sign language. 

“Maraming-maraming salamat. Ikaw, mayroon kang one thousand pesos. Thank you very much, Lester!” sey naman ni Luis matapos nitong sumayaw.

Tila ikinatuwa naman ng mga netizens ang pagiging inclusive ni Luis.

“Inclusivity ba kamo? Kudos to Luis Manzano!” pagpuri ng isa.

“Pambansang host indeed,” sey naman ng isa. 

“No one and when I say no one, I mean hosts in the entire history of noon time shows knows how to really reach out to our handicapped except just right now! Luis Manzano proved that entertainment and inclusivity can come along together,” komento pa ng isa.

Nagsimulang umere ang It’s Your Lucky Day noong Sabado, Oktubre 14.

Show comments
Exit mobile version