Netizens applaud senior high school teacher for carrying her student’s baby while in class

Tila naging inspiration sa mga netizens ang senior high school teacher na si Rosalyn Doma matapos nitong alagaan ang baby ng kanyang estudyante habang nasa klaso, napansin niyang patayo-tayo ang kanyang estudyante dahil naglalaro ang baby nito.

“Pagpasok ko ng classroom, naglalaro yung baby. From time to time, tumatayo ang nanay [niya], doon siya nagsusulat sa mataas nailid ng chalkboard kasi sa armchair niya naglalaro ang baby,” wika niya.

Dagdag pa niya, minutes bago matapos ang kanilang class period ay nagpagawa siya ng seatwork sa kanyang mga estudyante. Dito ay nakita niyang kalong ng kanyang estudyante ang baby nito.

“Hanggang sa nakatulog si baby, may activity ako pinagawa minutes before mag-end ang aming period. Kalong ng nanay ang [kanyang] baby habang ginagawa yung seat work [and] that’s the time nag-offer ako to carry her baby,” pagpapatuloy niya pa.

Sey naman ni Teacher Rosalyn, ginawa niya lamang ang kanyang tungkulin bilang “second parent” dahil nakita niya rin ang pagpupursige ng kanyang estudyante na umattend ng kanyang klase.

 

“I know, a lot of teachers [will] do the same and even more. I just did what was needed at that time as the second parent of our students in school. Nagpakita ang student ng kagustuhan makapag-aral kahit na meron na siyang anak,” saad pa niya.

Share pa niya, hindi lang ito ang unang beses na nag-alaga siya ng anak ng kanyang estudyante habang nasa classroom.

“Actually 2nd time na yun nagyari [na] nag-alaga ako ng baby inside the classroom. ‘Yung first, [may] summative test last school year, ibang student-nanay naman yun, senior graduate na siya ngayon,” pagbabahagi pa niya.

Ipinahayag naman ang mga netizens ng kanilang appreciation para kay Teacher Rosalyn.

“I salute you ma’am,” komento ng isang netizen. “Indeed, teaching is a devotion not just a profession. God bless the teachers,” saad pa ng isa. “Teaching is the noblest profession and this teacher, Ma’am Rosalyn, is a living proof. Good job,” hirit pa ng isa.

 

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version