This daughter from Nueva Ecija decided to surprise her mom with a brand-new tablet last Mother’s Day.
According to 22-year-old Via Marie De Guzman, her mom Marivic, had been using a broken tablet for six months.
“Binili ko po siya the day po mismo nung Mother’s Day. Dati po, ang pinantutusok niya lang po is aspile or karayom tapos pinalitan niya po ng susi para mas malapad. Nung napansin ko po na mahirap na po siyang pindutin, nag-decide na po ako na bumili ng bago,” Via told The Philippine STAR.
Mommy Marivic said that she was surprised by her daughter’s gift since she was also the one who gave her the old tablet.
“‘Di ko inaasahan na bibigyan niya ako ng ganun. Masayang-masaya ako nung nakita kong may bitbit siyang bag,” Mommy Marivic said.
Via said that she just wanted to give back to Mommy Marivic after everything she did for their family.
“Si Mama po kasi, matipid sa sarili. Wala siyang binibili para sa sarili niya. Kaya natuwa po ako na na-appreciate niya na pinaglaanan ko po siya ng ganun. Pag po kasi si mama binigyan niyo ng bagay, papahalagahan niya talaga,” Via shared.
The uploaded video has already garnered more than 9.7 million views on TikTok.
Netizens were touched by the gift of Via and the genuine reaction of Mommy Marivic.
“I miss my mom in heaven,” a netizen commented.
“All mom’s deserves all the love in the world! ?” another netizen said.
“Natuwa ako kasi marami palang natuwa sa anak ko dahil sa ginawa niya sa ’kin. Maraming nagco-comment na sana eh, ako daw rin mommy nila,” Mommy Marivic noted.
Via added that she was very happy with the positive feedback she received from the online community.
“‘Yung nai-inspire po sila na magsumikap para magawa din nila ‘yun sa magulang nila. Hindi naman po nating kailangang hintayin na maging successful or yumaman tayo para makabawi tayo sa magulang natin. ‘Yung simpleng pagsunod sa kanila, ‘yung pagbibigay po ng oras sa kanila, ‘yung patulong sa bahay—way na rin po ‘yun na pagiging mabuting anak. Hindi lang sa material o financial na bagay,” she stressed.
“Marami po kasing nagsasabi na ‘pag naka-graduate ako or naging successful, makakabawi rin ako, na pwede naman po nating gawin ngayon. Although ‘yun po ‘yung isa sa motivation nila para maging successful, ‘wag naman po sana nating hintayin sa point na magsisisi tayo. Bigyan natin sila ng time, kwentuhan natin sila. Simpleng pagsabi lang na mahal natin sila, malaking bagay na po para sa kanila ‘yun,” she added.
Mommy Marivic is one supportive mom to her five children, according to Via.
“Supportive po sa lahat ng bagay—kung anong gusto namin, sa lahat ng ginagawa namin. Puro positive lang po ‘yung naririnig namin sa kanya,” Via shared.
“Nagpapasalamat ako sa mga anak ko kasi ‘yung mga payo sa kanila sinusunod nila. Basta makakabuti sa kanila, sinusuportahan ko sila. Basta kaya kong gawin. Para sa kanila din ‘yun, sa kinabukasan nila. Para kahit anong hirap ng buhay, kayang-kayang makaahon,” Mommy Marivic said when asked about her message to her children.