JaDine gumigimik lang?

Umpisa pa lang ng 2020 ay may pasabog na agad ang tambalang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre na usap-usapang hiwalay na diumano bago pa man matapos ang taong 2019. Nagkagulo ang JaDine fans at agad na ipinagtanggol ang kanilang mga idolo at inilabas ang mga patunay na hindi pa hiwalay ang dalawa.

Inilabas ng Kapamilya Online World (KOW) ang ilang photos nila kung saan makikita silang magkasama noong Pasko at Bagong Taon. “According to pep.ph: First sad news in Philippine showbiz this 2020… James Reid at Nadine Lustre, break na JaDine Fans React: HINDI BREAK ANG JADINE! Fake News PEP! They [spent] time together — Christmas 2019 family get together and New Year Event 2020 party hosts. Dec. 25 – Christmas Party; Dec. 24, Christmas Dinner with James’ family; Dec. 31 – NYE Party Celeb hosted by JaDine at Rockwell,” pahayag ng KOW sa kanilang Facebook page, kalakip ang mga larawan ng dalawa kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Kumalat ang balitang hiwalayan ng dalawa kung saan sinasabing lumayas na raw si Nadine sa tinitirhan nilang bahay ni James sa Quezon City. Lalo pang tumindi ang ispekulasyon nang i-check ng kanilang followers ang mga post ni Nadine sa kanyang Instagram account.

“I can’t be who you want,” ang una niyang kontrobersyal na post kung saan makikita ang isang babaeng nakatalikod sa isang terrace na nakasuot ng seksing two piece.

View this post on Instagram

I can't be who you want.

A post shared by 小宮希美 🦂 (@nadine) on

“No questions. Just go with it,” naman ang caption niya sa pangalawang post kung saan nag-comment din ang kapatid na babae ni James na si Lauren Reid ng “But I have so many questions!” na may kasamang heartbreak at crying emoji pa.

View this post on Instagram

no questions. just go with it.

A post shared by 小宮希美 🦂 (@nadine) on

“For good reason, lost all of my love,” naman ang huli niyang caption sa isang black and white photo.

View this post on Instagram

for good reason, lost all of my love.

A post shared by 小宮希美 🦂 (@nadine) on

Ganunpaman, marami naman ang nagsasabing gumigimik lang ang dalawa para mapansin at magkaroon ng ingay ang tambalan nila, dahil matatandaang medyo lumamya ang kanilang karera noong nakaraang taon.

Lumipat na ng management si James na dating nasa Viva Artist Agency, habang si Nadine ay naiwan doon na pinaghihinalaang gusto na ring umalis.

Nang tanungin si Mr. Vic del Rosario, big boss ng Viva, kung Viva pa rin ba si Nadine, ang sagot nito “Viva pa rin.” Eight years pa raw ang natitirang contract nito sa Viva na nagpasikat sa tambalag JaDine sa pamamagitan ng pelikulang Ang Diary Ng Panget.

Nakagawa ng maraming pelikula si Nadine noong 2019 pero hindi ito masyadong bumenta. At ngayon ay sinasabing hindi na muna siya makikita sa big screen at sa kanyang music career muna magpo-focus. Kamakailan ay diumano’y pumirma siya ng kontrata sa Careless Music Manila na pagmamay-ari mismo ni James.

Samantala, nag-post si Nadine sa kanyang Instagram story, four hours ago, kung saan makikita ang alaga nilang corgi dog ni James na si Cal.

Credit: Nadine Lustre’s Instagram

Kapansin-pansin ang bracelet, kamay at long sleeves na suot ng nakahawak sa aso na pinaniniwalaang si James, kaya naman marami pa rin ang umaasa na hindi pa tapos ang love story ng dalawa. Sa kabila ng kaliwa’t kanang isyu, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang JaDine.

Scroll to Top