Lolit Solis, tinapos na ang issue kay Janine Gutierrez

Case closed na for Manay Lolit Solis ang kontrobersiya sa kanila ni Janine Gutierrez.

Sa kanyang latest Instagram post, sinabi niyang naiintindihan niya ang pagtatanggol ni Lotlot de Leon sa anak dahil ganundin ang naramdaman niya for Sen. Bong nang mag-react negatively si Janine sa TV comeback nito.

“I know iyon feeling ni Lotlot de Leon, Salve, sa IG post ko about Janine Gutierrez. Iyon exactly ang naging feeling ko nang mabasa ko ang bashing kay Bong Revilla after ng reaction ni Janine na OMG at di ko kaya besh.

“I don’t intend to belittle, dishonor Janine, dahil like what Sandy de Leon said, mabait, magalang at lumaking dalaga na ipagmamalaki ng kahit sinong magulang. In fact, sinulat ko nun how I admire Lotlot sa pagpapalaki ng mga anak niya.

“Lagi kong sinasabi, iyon mga bashing sa akin at halos pagmumura na ng iba, OK lang, natatawa pa nga ako kung minsan dahil I find it funny reading comments na masama from people I don’t even know.

“I cannot be judgemental in the sense na ang dami ko rin palpak na ginawa, mga kasalanan, o mga bagay na dapat hindi ko ginawa. If I write or opinionate, dahil writer ako, dahil iyon feeling ko, pero I find it out of bound kung kasamahan kong writer ang sisiraan ko. Kaya iyon din ang paniwala ko sa artista, puwede sila magalit sa writer, magsalita, pero pag kapwa nila artista dapat maingat sila. Iyon bang kapwa ko artista ito, kapatid ko ito, dapat tulungan kami, dapat kampi kami. Kung mali ako dun, sorry. As I want people to respect my opinion, I will also respect theirs.

“At tulad ni Lotlot de Leon na nasaktan dahil sa anak niya na si Janine Gutierrez, para din akong isang ina kay Bong Revilla na nasaktan din. But now, at least, I know na never matatanggap ni Janine Gutierrez si Bong Revilla. I respect that, I admire her for being open with her feelings. Sorry Lotlot. Case closed.”

Ayon sa source, may nagpabasa kay Manay Lolit ng nasabing post ni Lotlot bilang pagtatanggol sa anak na Kapuso actress.

Show comments
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).
Exit mobile version