In demand ngayon souvenir photos ni Mr. Atong Ang.
Yup, lately nga ay ang daming upload sa social media na kasama ang controversial businessman na visible lately sa mga event.
In a way nga ay pinaka-winner sa Barretto saga ang businessman na itinanggi ang pag-uugnay sa kanila ni Gretchen Barretto nang magsulputan ang mga photo nilang magkasama sa eroplano habang natutulog, sa Dangwa, sa mga restaurant at iba pa, sa interview sa kanya ni kabayang Noli de Castro last week.
Magkaibigan lang daw sila at alam daw ni Mr. Tony Boy Cojuangco ang kanilang friendship.
But wait, paano kaya nila ide-deny ang sinabi ng ex ni Mr. Ang na dating actress, si Kristine Garcia, sa interview ng kaibigang si Mercy Lejarde na 15 years old lang siya nang diumano ay maka-affair ang negosyante. Meron daw silang anak na 30 years old na pero wala raw itong binibigay na support for him.
Ayon pa sa message nito kay Ate Merc, 49 years old na siya at wala na silang communication ng negosyante “since two years ago when he and Greta started.”
Sa Las Vegas naka-base si Kristine at married na rin.
Anyway, tahimik ngayon ang paligid sa mga Barretto at abangan natin kung paano sasagot si La Greta na diumano ay bina-block ang mga nagko-comment at nagsusulat ng hindi favor sa kanya.
Anne at Jinkee, faney na faney sa Korea!
Finally, natupad na rin ang “pangarap” nina Anne Curtis and Jinkee Pacquiao sa mga Korean idol nila.
Si Anne ay nakasama sa event ng luxury brand na Louis Vuitton ang super idol niyang si Gong Yoo na sobrang kinababaliwan niya.
Si Jinkee naman ay nakaharap for the second time ang iniidolong si Ji Chang-Wook kasama pa si Sen. Manny Pacquiao nang dalawin nila ito sa taping ng Melting Me Softly.
Nagpadala si Jinkee ng ood/coffee truck na may banner na “Jinkee Pacquiao Ji Chang Wook forever.”
Tinanggap naman ng Korean actor/singer ang pair of boxing gloves from Sen. Manny na kulay white.
Nagpasalamat pa si Ji Chang-Wook sa mag-asawang Pacquiao.
Kasama naman si Anne sa representative ng LV Philippines at si Gong Yoo naman ay LV ambassador kaya expected ang kanilang pagkikita.
Wow. Talagang tuloy ang Korean fever sa Pinoy fans.
Moira nominated Best Southeast Asian Act
Parami nang parami ang magagandang bagay na natatanggap ni Moira Dela Torre. Ngayon ay nominado siya bilang Best Southeast Asian Act sa MTV EMA 2019 na gaganapin sa Seville, Spain.
“I was stunned and overwhelmed because of the blessings. I thought at one point that my streak of success is coming to an end because of lost opportunities, but soon the blessings started pouring in again. This is the cherry on top — because now even Kapamilyas abroad can show their support,” she said.
Nominado si Moira sa kategorya kasama sina Rich Brian ng Indonesia, Yuna ng Malaysia, Jasmine Sokko ng Singapore, Jannina Weigel ng Thailand at Suboi ng Vietnam.
Pero kahit marami nang pagkilalang natanggap, naniniwala siya na hindi ito ang pinakamahalagang parte ng kanyang karera.
“All of this is just a huge bonus, but I really, really will stand by this that my greatest award is being able to reach out to people through my music.”
Kamakailan lang ay iniuwi ni Moira ang pinakamalalaking award sa Awit Awards 2019 gaya ng album of the year para sa Malaya, music video at song of the year para sa kanta niyang Tagpuan, at best collaboration para sa awiting Knots na inawit niya kasama si Nieman.
Panalo rin siya sa katatapos lang na Himig Handog 2019 bilang interpreter kasama si Daniel Padilla, para sa entry ni Dan Tañedo na Mabagal na hinirang bilang Best Song.
Inilabas din nitong Setyembre ang kantang Paalam na kolaborasyon niya kasama ang Ben&Ben. Makikipagsanib-pwersa rin siya kay Asia’s Songbird Regine Velasquez para sa theme song ng pinakabagong pelikula ng Star Cinema na Unbreakable.
The Ikaw At Ako hitmaker is also set to release a new album under ABS-CBN Music International during the first quarter of 2020. The thrilling project includes collaborations with foreign artists and producers like Us The Duo, HARV and DJ Flict and will feature a more pop-infused sound mixed with folk elements.
She is part of the rich roster of Kapamilya artists who are gradually breaking into the international music scene as ABS-CBN continues to champion Filipino talent on the global stage.
Vote as many times as you can for Moira as the Best Southeast Asian Act at the MTV EMA 2019 at www.mtvema.com/en-asia/vote/. Voting ends on November 2, 6:59 p.m. Philippine time. For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter and Instagram or visit www.abs-cbn.com/newsroom.