Atong Ang to Marjorie Barretto: ‘Matakot ka sa pamilya ni Recom!’

BY DEBBIE CASTILLO

Tahasang idinenay ni Atong Ang ang relasyon niya diumano kay Gretchen Barretto sa exclusive interview ng TV Patrol.

“Unang-una, walang agawan, dahil hindi naman kami ni Gretchen,” deklarasyon ng businessman.

Para na raw niyang kapatid si Gretchen. Palagi raw silang nagta-travel pero grupo sila at hindi gaya ng natsitsismis na sila lang dalawa.

Tinanong din si Atong kung totoo bang naging sila ni Nicole na pamangkin nina Gretchen at Claudine, anak ng kapatid nila si JJ.

“As is na lang dahil ‘di ako pwede magsalita. Si Claudine hindi talaga. Si Gretchen hindi rin. Basta dini-deny ko sina Gretchen at Claudine. Nirerespeto ko siya (Nicole).”

Natanong din ang businessman tungkol sa naganap na tension sa burol ng Barretto patriarch. Naobliga raw kasing magpunta sa wake ng kanyang ama si Gretchen dahil sinabi raw ng Presidential Management Staff (PMS) na pumunta siya dahil pupunta ang presidente.

“Si Gretchen kasi, malapit kay Presidente,” kwento ni Atong. “Ang sabi, pupunta sa patay si Presidente. ‘Kung puwede, pumunta ka.’ Ang sabi sa akin ni Gretchen, ang sagot daw niya, ‘Pakisabi kay sir, huwag na po, kasi baka magkagulo lang.’”

Ayon pa kay Atong, pinasamahan daw ni Tony Boy Cojuangco sa kanya si Gretchen papunta sa wake ni Miguel “Mike” Barretto noong October 16.

“Tumawag sa akin si Tony. Sabi sa akin, ‘Pare, pakisamahan si Gretchen, baka mapaaway ‘yan doon.’ Iyon ang sabi sa akin ni Tony… Sabi ko, ‘Sige, samahan ko na lang.’ Kausap ko si Gretchen, ‘Sige, samahan na lang kita,’” kuwento pa ni Atong.

Sa huling parte ng interview ay hiningan ng mensahe si Atong tungkol sa naging statement ni Marjorie na “Atong, huwag mo akong sasaktan!”

Ayon sa businessman ay hindi naman daw siya ganun ka-powerful. “Sa akin, hindi kita kaano-ano, ni hindi ka nga natsismis na girlfriend ko, so bakit kita sasaktan? Kung binulgar mo ako, huwag kang mag-alala. Sikat naman ako talaga. Ang daming nagbubulgar sa akin, kaya okay lang. Baliwala sa akin ‘yun. Hindi nga ako artista, talagang open ang buhay ko sa tao.

“Sa drama niyo, sa away niyo, wala akong pakialam diyan. Kung may dapat kang katakutan, I think ‘yung family ni Recom (Echiverri). Idineklara mong kabit ka, e. Dapat kang matakot, may mga anak ‘yon. Doon ka dapat matakot.”

Message to the Barretto sisters? “Sa inyong mga Barretto, since naging parang family ko kayo, nilalahat ko na kayo: Namatay na ‘yung tatay niyo. Ngayon, nag-iisa na ang nanay niyo. Magtulong-tulong na lang kayo, magbigay kayo ng pera, buhayin niyo, pilitin niyong maka-survive ang nanay niyo.

“Kaming magkakapatid, hindi kami magkakasundo, pero hindi kami nag gaganiyanan. Pabayaan niyong lumabas ang nanay niyo sa isang side, pabayaan niyo ‘yung kabila. Huwag kayo magsiraan.

“Kung ako kayo, magkabati-bati na kayo. Tutal, ang media naman natutuwa lang pag nagkakagulo kayo, e. Anyway, nakakatulong naman kayo, nagkakaroon ng libangan ang mga tao. Kung gusto niyo ituloy ‘yan, mga artista naman kayo, ituloy niyo. Pero suggestion ko lang, tigilan niyo na.”

Show comments
Exit mobile version