Marjorie, Claudine nagsumbatan at naghampasan sa lamay ng ama?

Oww nagkagulo na naman pala sa wake ni Mr. Mike Barretto last night. Diumano ay nagsumbatan ang magkapatid na Marjorie and Claudine Barretto sa harap ng ama. As in matinding awayan diumano ang nangyari at hinimatay pa ang kanilang ina na si Mrs. Inday Barretto.

Ayon sa source, dumating daw si Claudine na maraming kasamang bodyguard.

Inabutan daw nito sina Marjorie at anak na si Julia. “Why are you here” dialogue daw ni Claudine kay Julia.

Hanggang magsigawan at naghampasan na raw na tipong ang sinisisi diumano ni Marjorie sa nangyari sa kanilang ama ay si Claudine dahil nangangailangan ito ng pera sa pagpapa-detox nito. Kaya umabot diumano sa hampasan at suntukan.

At ang andun daw at nag-try na awatin ang magkapatid, si Edu Manzano. Nagpa-medico legal pa raw si Claudine at nagpunta ng hospital at si Mrs. Inday Barretto naman ay hindi na dinala sa hospital at nag-rest na lang sa family room ng chapel sa Heritage Park.

Dumating din kagabi sa Heritage si Joshua Garcia at mga friends ni Marjorie ayon pa sa source.

Nauna nang nagsabunutan sina Gretchen at pamangkin nitong si Nicole ayon sa kumalat na kuwento nung unang gabi ng lamay sa harap ni Pres. Duterte at sinubukan pa diumano na pagbatiin sina Gretchen and Marjorie pero nabigo ang presidente.

Nagpa-blotter na rin daw si Nicole pagkatapos ng nangyari.

As of presstime, ayon sa source, iki-cremate na raw si Mr. Barretto dahil worried na ang pamilya na baka magkagulo na naman. Sa Sunday pa raw sana ang cremation nito. Panay daw ang iyakan ang mga apo ni Mr. Barretto at nakayakap sa casket nito.

Nakakalungkot na imbes na pagluluksa ang kanilang ang pag-usapan, ang mga kontrobersiya na daig pa ang mga eksena sa teleserye ang pinag-pipiyestahan ng mga tao. Rest in Peace Sir Mike. At sana nga ay matapos na ang gusto sa kanilang pamilya.

Show comments
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).
Exit mobile version