Lumaking nakikinig sa kantang Mr. DJ ang anak ni Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan kaya hindi kataka-taka na kahiligan din niya ang pagkanta at pag-compose.

Frankie Pangilinan: I want to pursue honestly my music and my writing. — Photo by Salve Asis

Artistahin din si Frankie tulad ng kanyang Ate KC Concepcion pero nang matanong sa isang interview kung wala ba siyang interest sa showbiz, ang sagot ni Frankie, “Uhm, maybe not in the same way. I want to pursue honestly my music and my writing. That’s all naman I want to do. Perhaps not in a very conventional way, you know na… I’m not sure if I got the guts or strength to do anything like Star Magic-ish.”

So ayaw niya ng acting tulad ng kanyang mom?

“The thing about acting is…  I actually have so much fun doing it. I used to do it sa mga high school plays, mga ganun. But I feel like there are people who work so hard, they train so much harder for it na parang ayaw ko naman pong to fill into a role just because my Mama is or something like that.”

Pero ayon din sa young singer-composer, hindi naman niya isinasara ang kanyang pinto sa mga opportunities. Kung magkaroon man daw ng offer na sa tingin niya ay perfect sa kanya ay susubukan din daw niya.

“I don’t really consider myself like super actress so we’ll see. I feel like I’m not good enough parang there are people na so much better,” nakangiti niyang sabi.

Nakabakasyon lang ngayon si Frankie na babalik na sa New York sa 19th kung saan siya kasalukuyang nag-aaral ng college. Susubukan din daw niya ulit magbakasyon sa spring break.

August nung nakaraang taon lumipad papuntang Big Apple si Frankie para mag-aral at hanggang ngayon ay nag-a-adjust pa rin siya.

“I think I’m adjusting to New York better than a lot of my friends adjusting elsewhere,” kwento pa niya.

Madali raw kasi siyang ma-distract lalo pa kapag naiisip niya ang kanyang pamilya.

Wala rin siyang boyfriend ngayon dahil sa tingin niya ay mas mabuti pa rin kung Pinoy guy ang kanyang makaka-date. “May mga values na very fundamental ‘yung Filipino na you really can’t find (in other guys), so yeah I’ve been single for like a year now and I’m great.”

Hindi rin pala siya aware na marami pala ang nakakakita ng kanyang tweets. “Natakot ako, parang nahiya ako na people see that pala noh?”

Natanong din si Frankie sa tweet niya tungkol kay President Duterte nang lumabas ang sinabi nitong “Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo. At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign. Ang sinasabi ko, totoo ‘yan,” tungkol sa kanyang mama Sharon at aman si Sen. Kiko Pangilinan.

At ayon sa kanya, “I didn’t really think about that ’cause to me it wasn’t really about it. It’s about the principle of the thing. I think I can say something about it, kase naman, pagod na pagod na ako sa New York.”

Ad Asia Adverstisement