Drama sa burol, may kontrahan!

And the drama continues…

Magkuwento rin kaya si Pres. Digong ng version niya sa totoong nangyari sa wake ng tatay ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie and Claudine na si Mr. Miguel “Mike” Barretto last week?

Idinetalye ni Marjorie sa exclusive interview ni Ms. Karen Davila sa TV Patrol ang pangyayari na naging kontrobersiyal sa wake ng tatay nila. “Dumating ang Pangulo, he had his moments with my mom and prayer for my father.

“On cue ni Claudine, dumating si Gretchen at si Atong (Ang). Atong stayed at the end
of the chapel,” simula ng kuwento ng nanay ni Julia Barretto.

“They were claiming na mainit na ulo ko. Hindi lang po ako. ‘Yung pamilya ko po, dahil na-offend kami really about Atong sending our nieces and nephews out of the wake of our father. That’s the tension,” pahayag niya pa sa interview ni Ms. Karen sa naganap na tension sa harapan mismo ni Pres. Duterte.

Screen grab of video showing Gretchen Barretto with President Duterte at the ‘controversial’ wake of their father Miguel Barretto last October 16.

Tumawag diumano ang mommy ni Nicole para nga sabihing lumabas muna sila dahil darating sila Gretchen and Atong.

“Sabi ko, ‘Mr. President, I respect you, I love you, I voted for you, sir. Pasensiya na po. Hindi po kita mapagbibigyan,” katuwiran pa ni Marjorie kaya hindi siya nakipagkamay sa kapatid nang hilingin ng pangulo na mag-ayos na sila ni Gretchen.

Paglilinaw ng dating aktres, pulos insincerity diumano ang nakita niya sa mukha ng kanyang kapatid kaya umayaw siyang makipagbati dito.

Dahil sa nangyari, umeksena na raw si Claudine at doon nagsimula ang naganap na bastusan.

“I said, ‘Mr. President, tingnan n’yo po ‘to. Ito po ‘yung totoong pagkatao nila. Nagbabait-baitan lang po sila sa harapan ninyo. I hope you understand,’ pagpapatuloy ni Marjorie na pagkatapos ng nasabing interview ay parang dumami ang kakampi.

At doon diumano pumasok si Nicole, anak ng kapatid nilang si JJ na diumano’y five years naging GF ni Atong ayon mismo kay Marjorie, nang mag-attempt siyang hablutin nina Gretchen at Atong.

“He (Duterte) safely took me away to the farthest couch, habang si Gretchen ang nag-nervous breakdown. She ran after Nicole, pulled Nicole’s hair, kicked Nicole. She beat up my niece.

“I wasn’t the one with nervous breakdown. I was sitting quietly with the President on the left side of the chapel, exchanging pleasantries,” pagpapatuloy ng kuwento niya sa nangyari at kung anong ginawa ng pangulo nang pakalmahin siya ng presidente.

Pakiramdam din ni Marjorie, orchestrated ang lahat ng mga pangyayari that night.

Pero mabilis ang sagot ni Gretchen sa version ni Marjorie.

“I DO NOT HAVE THE POWER TO ORCHESTRATE A GRAND ENTRANCE WITH THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES.

PRRD WAS KIND ENOUGH TO OFFER TO SEE ME AT THE WAKE and only then I was hoping you COULD CONTROL YOUR ANGER & overwhelming FEAR OF THE TRUTH,” sabi nito sa kanyang post sa IG.

Dagdag pa ni Gretchen: “This was a lovely, precious moment, it was about forgiveness, love & a promise to protect our newfound mother/daughter relationship. It was a great opportunity to mend all the nasty words thrown to each other.

“It was a dream come true for me to finally hear the words I love you from my mother, something I thought I would never hear till the day of our last breath. Words is not enough to express the feeling (the blessing).

“This emotion is not the kind to EXPLODE TO A HYSTERICAL STATE as BEING CLAIMED BY MARJORIE ITCH – Very,” dagdag ni Gretchen sa photo nilang mag-ina.

Well, baka nga si Pres. Digong lang ang makakapagsabi ng totoo sa naganap last Wednesday sa Heritage chapel kung saan ibinurol si Mr. Barretto.

Pero my God, siyempre hindi mag-i-entertain si Pres. Digong ng mga negative ngayon lalo na nga’t may iniinda siyang sakit sa likod.

Scroll to Top