Dahil sa selos, Bianca Umali muntik banggain si Ruru Madrid?

Hot topic ngayon ang diumano ay muntikang “pananagasa” ni Bianca Umali kay Ruru Madrid sa parking lot ng Megamall matapos ang red carpet premiere night ng Cara X Jagger last Tuesday.

Sorpresang dumalo si Bianca sa premiere night ng movie na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith at marami nga ang natuwa’t nagpista sa pagdating niya since matagal na nga silang nali-link ng aktor.

Ayon sa source ng Pang Masa columnist na si Vinia Vivar, pagkatapos ng premiere night ay nag-away daw sina Ruru at Bianca sa parking lot ng mall at mahihirapang umano silang mag-deny dahil marami ang nakakita sa pangyayari.

Ayon sa isang nakasaksi, nakita raw ni Bianca si Jasmine na nakasakay sa sasakyan ni Ruru pero kasama naman umano ang direktor ng movie na si Ice Idanan pati na ang handler ni Jas dahil pupunta sila sa after-party ng naganap na premiere night.

Dito na raw uminit ang dugo ni Bianca. Sinubukan daw lapitan ng aktor ang rumored girlfriend pero imbes na maayos ay nagkasagutan pa ang mga ito. Dumating sa point na naitulak ng aktres si Ruru.

After nito ay sumakay daw sa sasakyan si Bianca na siya mismo ang nagmamaneho at saka niya pininahan o akmang sasagasaan ang boyfriend. Selos na selos daw kasi itong si Bianca lalo pa’t very vocal si Ruru sa mga interview na crush niya noon pa man si Jasmine.

Mismong ang ama raw ni Ruru ang naka-witness sa buong nangyari. Dati nang napapabalitang selosa si Bianca.

Nagtataka tuloy kami kung ano ang magiging reaksiyon niya sa appreciation post ni Jasmine na posted sa Instagram.

“Today, my thanks are for my leading man, Ruru Madrid. “Thank you for being with me on my first mainstream lead role. Thank you for being an active thinking actor willing to grow and open to learn from every person that gives guidance or situations we encounter. Thank you because you performed so well and with so much honesty. I’m glad you are the Jagger to Cara. Excited to watch you in more film projects!!! OKAY!!! Like Cara, it will be almost next to impossible to forget this experience with you!”

https://www.instagram.com/p/B4gp3_lF6c0/?utm_source=ig_web_copy_link

Bukas ang Latest Chika sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa article na ito.

Scroll to Top