Angel sumagot sa ‘litanya’ ni Neri kina Bubbles at Chito

“Nakakatawa to. Si @paoloparaiso yung kahalikan nya. Maling mali sya hay buhaaaay,” sagot ni Angel Locsin sa mahabang emote ni Neri Naig-Miranda, wife ng BFF niyang si Chito Miranda.

Yup, habang busy nga si Angel sa pagtulong sa mga nilindol sa Mindanao, hindi naman niya pinalampas ang litanya ni Neri sa IG post niya.

“May kailangan ba kayong i-explain sa akin? @chitomirandajr @bubblesparaiso,” umpisa ng post ni Neri.

Left photo: Neri Naig with husband Chito Miranda. Right: Bubbles Paraiso. — Photos from IG accounts

“Hahaha! Tawang tawa talaga ako dito!

“Kasalanan ba nila Angel at Bubbles na magaganda at sexy sila? Bawal na magkaroon ng best friend na lalaki? Pagbabawalan ko na ba? Hehe!

“Eversince hindi ko pinag-isipan ng may malisya sila Chito kasama si Bubbles at Angel. Kung alam lang din ng mga tao kung paano nila asarin si Chito! Pero seriously, magkaibigan po talaga sila at never kong pinagbawalan si Chito maki-hang out sa kanila o kahit kaninong tao mapababae man o lalaki, ok lang sa akin.

“Why? Bakit ko kailangan siyang paghigpitan? Ang tao kung gusto nyang magloko, magloloko yan kahit ano pang bantay ang gagawin mo. Saka secured ako sa pagmamahal ng asawa ko. Kung dati ngang bf/gf palang kami, NEVER ko siyang pinagbawalan, mas lalo ngayong mag asawa na kami. Saka secured din ako sa sarili ko.

“Hindi lang talaga ako palalabas kahit pa noong dalaga pa ako. Mas lalo na ngayon at may anak ako.

View this post on Instagram

May kailangan ba kayong i-explain sa akin? @chitomirandajr @bubblesparaiso Hahaha! Tawang tawa talaga ako dito! Kasalanan ba nila Angel at Bubbles na magaganda at sexy sila? Bawal na magkaroon ng best friend na lalaki? Pagbabawalan ko na ba? Hehe! Eversince hindi ko pinag isipan ng may malisya sila Chito kasama si Bubbles at Angel. Kung alam lang din ng mga tao kung paano nila asarin si Chito! 😁✌ Pero seriously, magkaibigan po talaga sila at never kong pinagbawalan si Chito maki-hang out sa kanila o kahit kaninong tao mapababae man o lalaki, ok lang sa akin. Why? Bakit ko kailangan siyang paghigpitan? Ang tao kung gusto nyang magloko, magloloko yan kahit ano pang bantay ang gagawin mo. Saka secured ako sa pagmamahal ng asawa ko. Kung dati ngang bf/gf palang kami, NEVER ko siyang pinagbawalan, mas lalo ngayong mag asawa na kami. Saka secured din ako sa sarili ko. Hindi lang talaga ako palalabas kahit pa noong dalaga pa ako. Mas lalo na ngayon at may anak ako. I love Angel and Bubbles kase mabait talaga silang tao, hindi lang kay Chito, pati sa amin na rin ni Miggy. Pati na rin si Neil, lagi nila inaalala kami ni Miggy. Gumawa pala ako ng vlog about sa pagchi-cheat ng lalaki, hehe! Featuring Chito syempre. Post ko soon after ma-edit. Pero maganda rin etong topic na may mga close friends o best friends na mga babae ang bf o asawa mo. Paano mo malalaman na magkaibigan lang talaga sila.

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

“I love Angel and Bubbles kase mabait talaga silang tao, hindi lang kay Chito, pati sa amin na rin ni Miggy. Pati na rin si Neil, lagi nila inaalala kami ni Miggy.

“Gumawa pala ako ng vlog about sa pagchi-cheat ng lalaki, hehe! Featuring Chito syempre. Post ko soon after ma-edit. Pero maganda rin etong topic na may mga close friends o best friends na mga babae ang bf o asawa mo. Paano mo malalaman na magkaibigan lang talaga sila,” buong post ng wife ng vocalist ng Parokya ni Edgar.

Parang convince si Neri sa isyung “Saw your husband last night making out with (Bubbles). Although in my mind I know they are very very close friends. Hmmmm. And naisip pumunta to check (your) husband’s IG. May post siya about (Bubbles) congratulating her. And napa-isip tuloy ako lalo. Good luck po and God bless,” ang obviously basis ng nasabing emote ng dating sexy actress.

Angel Locsin

Bukod kay Angel, sumagot din ang fiancé niyang si Neil Arce kay Neri: “Ba’t kami ni Chito di nachichismis?!?!”

Credit: Neri Miranda IG

At di pa natapos ang litanya ni Neri. Meron siyang post art card na ang nakasulat ay: “You can leave anytime.”

“Kapag hindi ka na masaya, pwedeng pwede kang umalis. Drained ka na sa isang relationship na puro ikaw na lang ang dapat umunawa. Leave.

“Sinasaktan ka? Binubugbog ka? Leave.

“Paulit ulit na lang ang ginagawa? Panay sorry kapag nahuli? Mamiso na lang ang sorry, wala nang halaga? Nakakasawa na ba? Leave.

“Toxic friends? Lagi ka na lang pinapahamak? Lagi na lang ikaw ang umaayos kapag napahamak siya at nadadamay ka pa? Leave.

“Puro tsismisan ang grupo? Pintas dito pintas doon. Walang magandang idinudulot? Leave.

“Manipulative people. Paawa effect para makakuha ng simpatya sayo. Tapos ifi-feed ka ng negativity at mararamdaman mo na nagiging toxic ka na rin. Leave.

“Hindi ka masaya sa trabaho mo. Leave.

“Panay reklamo mo sa trabaho, sa katrabaho mo, at sa boss mo. Leave.

“Ang importante masaya tayo sa buhay. May inner peace at happiness ka, walang makakapantay dun kahit ano ang estado mo sa buhay.

“Kapag nahanap mo na ang inner peace at happiness, maswerte ka! Hindi lahat meron nyan at kaya yan. Madalas ang layo ng tingin nila para hanapin yan.

“Madalas akala ng iba, mas maraming pera, mas maraming happiness. Masarap talaga magkapera at lalo na nakakakabili ka ng mga gusto mo. Pero kung dun lang iikot ang kasiyahan mo sa buhay at dun lang sa tingin mo makikita ang totoo sa buhay — totoong kaibigan at totoong kaligayan, maling mali yun. Totoo rin na dun mo makilala ang mga tunay mong mga kaibigan, may pera ka man o wala.

“May mga sitwasyon ka ba na sa tingin mo hindi mo kayang iwan? Baka sa pagshare sa amin ay mahanap mo ang courage, strength, at sagot na matagal mo nang hinihintay. You can share it with us kapag ready ka na.

“Sabi nga nila, ‘When women support each other, incredible things happen.'”

View this post on Instagram

Kapag hindi ka na masaya, pwedeng pwede kang umalis. Drained ka na sa isang relationship na puro ikaw na lang ang dapat umunawa. Leave. Sinasaktan ka? Binubugbog ka? Leave. Paulit ulit na lang ang ginagawa? Panay sorry kapag nahuli? Mamiso na lang ang sorry, wala nang halaga? Nakakasawa na ba? Leave. Toxic friends? Lagi ka na lang pinapahamak? Lagi na lang ikaw ang umaayos kapag napahamak siya at nadadamay ka pa? Leave. Puro tsismisan ang grupo? Pintas dito pintas doon. Walang magandang idinudulot? Leave. Manipulative people. Paawa effect para makakuha ng simpatya sayo. Tapos ifi-feed ka ng negativity at mararamdaman mo na nagiging toxic ka na rin. Leave. Hindi ka masaya sa trabaho mo. Leave. Panay reklamo mo sa trabaho, sa katrabaho mo, at sa boss mo. Leave. Ang importante masaya tayo sa buhay. May inner peace at happiness ka, walang makakapantay dun kahit ano ang estado mo sa buhay. Kapag nahanap mo na ang inner peace at happiness, maswerte ka! Hindi lahat meron nyan at kaya yan. Madalas ang layo ng tingin nila para hanapin yan. Madalas akala ng iba, mas maraming pera, mas maraming happiness. Masarap talaga magkapera at lalo na nakakakabili ka ng mga gusto mo. Pero kung dun lang iikot ang kasiyahan mo sa buhay at dun lang sa tingin mo makikita ang totoo sa buhay– totoong kaibigan at totoong kaligayan, maling mali yun. Totoo rin na dun mo makilala ang mga tunay mong mga kaibigan, may pera ka man o wala. May mga sitwasyon ka ba na sa tingin mo hindi mo kayang iwan? Baka sa pagshare sa amin ay mahanap mo ang courage, strength, at sagot na matagal mo nang hinihintay. You can share it with us kapag ready ka na. Sabi nga nila, "When women support each other, incredible things happen."

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Hmmm, may ilang nagbigay ng malice at speculations sa mga hugot nito na baka naman may pinagdaraanan silang mag-asawa. Or baka naman din pang-blog lang niya ito.
Common knowledge sa showbiz na BFF ng husband niya sina Angel and Bubbles Paraiso.

Scroll to Top