Alden Richards on flashing toned abs: ‘Surprise po talaga for 2020’

Pinagpiyestahan nang bonggang-bonga ang toned abs ni Alden Richards sa latest endorsement na Century Tuna Superbods kahit na sa April pa ang launching nito.

Niyanig din ni Alden ang social media matapos siyang mag-post ng magkasunod na pictures featuring his abs.

View this post on Instagram

Morning mood be like…swipe left.

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

View this post on Instagram

Happy New Year everyone. 👋🏻

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Kuwento ng aktor nang humarap siya sa media para sa bago niyang programang Centerstage, itinago raw talaga niya ang ginawang training dahil gusto niyang magulat ang mga tao sa improvement ng kanyang katawan. Nasa 30 lbs daw ang na-lose niyang weight dahil sa strict training.

“Tinago ko po kasi siya eh. Hindi ko po pinakita na nagpi-prepare ako.

Minsan lang ako nag-post pero dumb bell, dumb bell lang. Pero hindi po talaga ako nagpakita.

“Surprise po talaga yun for 2020. I owe it to myself po talaga eh. Ilang taon ko na pong sinasabi na gusto ko magka-abs, pero hao-shiao lang, puro drawing lang. So, eto po talaga pinilit kong gawin, pinilit kong magkaroon. Work, effort at saka dedication,” kuwento ng Asia’s Multimedia Star.

Magtatapos na ang GMA series ni Alden na The Gift at aminado ang aktor na mami-miss niya ang kanyang co-stars. Focus muna siya sa Centerstage na magsisimula na sa February 16.

It’s something new for me, its going to be different, ‘yun po ang challenge sa akin dito, how to deal with kids, kung paano sila mag-isip, paano ko gagawing magaan ‘yung desisyon ng judge at mga tao,” saad ni Alden sa mediacon ng programa.

Si Betong Sumaya ang magiging co-host ni Alden habang ang tatlong judges ay sina Pops Fernandez, Aicelle Santos at musical director Mel Villena.

Scroll to Top